Thursday, October 23, 2008

"Tukso, ka'y rami nang winasak na tahanan"


Tunay ngang napakasarap magkaroon ng pamilya, dahil dito tayo nakahuhugot ng inspirasyon upang magpatuloy sa buhay, at maging matatag sa lahat ng pagsubokna ating pinagdadaanan. Ang pamilya ang pinakasimbolo ng pagkakaisa at pagmamahalan, papaano kung malaman mong ang isa sa mga magulang mo ay nasubok sa isang pagkakataon at ito ay matukso sa ibang tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng ganitong mga pagkakataong tulad nito, hindi ko matanto kung bakit may mga taong sadyang di makuntento sa buhay at naghahanap pa ng iba. At hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit may mga taong sadyang nanunukso at nagbabadya ng mga kasalanang alam nilang mali at makasisira ng buhay.Alam ba nilang nakasisira sila nga tahanang payak at masaya. Alam ba nila kung ano ang mangyayari sa mga bagay na nasa paligid nila . Paano na lang ang mga anak na mapagmahal,paano na lang ang bauhay nila kung wasak ang pamilya nila,sapalagay ba nila makapagpapatuloy pa ba ang mga ito sa buhay nila. Sapalagay ba nila sinong mga asawa ba ang hindi iiyak at parang mababaliw sa kaiisip sa magiging kinabukasan nila ? At saan ka ba makakakita ng mga pamilyang hindi nasisira ng mapaglinlang na tukso?
Nanlulumo ako kapagka nakakakita at nakaririnig ako ng mga ganitong balita ,dahil hindi ko malaman kung bakit patuloy pa rin itong nangyayari sa ating lipunan. Samantalang may mga aral naman tayo sa ating mga bibliya na nagtuturo ng mga aral tungkol sa pakikiapid. At sa atin namang saligang batas, mahigpit itong nilalabanan ng ating pamahalan, ngunit patuloy pa rin itong nangyayari. Pero mayroon naman akong iiwanang tanong:"Kung ikaw ay mayroong ganitong kalagayan ano sapalagay mo ang nararapat mong gawin?"
Jayson M. Soliveres.

No comments: