Friday, October 24, 2008

"Hustisya, nararapat bang ikaw ang bumawi"



Ang hustisya para sa akin ay isang bagay na mahirap makamit, dahil marami kang dapat isaalang-alang bago mo ito makamtam. Kailangan mo ng mga taong mapagkakatiwalaan at gagabay sayo upang makamit mo ito. Pero papaano kung wala kang mapagkakatiwalaang tao? Papaano kung wala ni-isa ang may gustong tumulong sa iyo, babawin mo ba ito nang mag-isa?


Hustisya!, ito ang parati mong sinasambit, malaki ang pagnanasa mong makuha mo ito at sa sobrang pagnanasa mong makuha ito, napilitan kang makuha ito sa pamamagitan ng dahas at nakagawa ka ng isang malaking kasalanan, paano mo ito matatakasan? Laganap na sa ating lipunan ang ganitong pangyayari at kung papansinin mo pare-pareho lang naman ang nangyayari at ito ay halos pasa-pasa at patayan nang patayan. Kailan ba ito matatapos?, kailangan ba talagang gawin mo ito? ang ilagay sa mga kamay mo ang batas at gumawa ng isang paghuhukom na ikaw ang tiyak na magwawagi?


Sana naman isipin natin ang ating mga ginagawa, dahil sa konting pagkakamali lang ay maaari tayong makagawa ng malaking kasalanan sa ating sarili,sa ating kapwa, sa ating lipunan, at maging sa ating mahal na panginoon.
Jayson M. Soliveres.

No comments: