Thursday, October 23, 2008

Bakit ang aso kailangan ngumiyaw?

Hindi ko mainntindihan kung bakit natin kailangan magpasakop pa sa mga dayuhan hanggang ngayon gayong ang araw ng kalayaan ay noon pang ika -4 Hulyo 1946 pa. Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman ang tunay kong kalayaan?
Kahit na ako'y nabubuhay ngayon dito sa bago nating panahon, ang pakiramdam ko ay nasa panahon pa rin ako ng mga amerikano. Paano?, damang-dama ko ito sa aking kalagayan ngayon, at marahil ay hindi ako nag-iisa maaring marami kami. Hindi ako bihasa sa pagbigkas ng wikang ingles, sa tuwing magsasalita ako ng wikang ito, pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko dahil sa mali-mali kong grammar. Bukod doon, iniisip ko kung bakit kailangan pang mag-aral nito, samantalang may sarili naman tayong wika. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa tayong piliting matuto ng wikang ito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila iniisip na hindi naman natin kailangan ang magsalita pa nito. Kung talagang interesado ang mga dayuhang makipagkaibigan sa atin, bakit hindi nating hayaang sila ang mag-aral ng ating wika?! Tingnan ninyo ang bansang Hapon napakaunlad nila kahit hindi sila bumibigkas ng wikang ingles, sila angf masasabi kong tunay na maunlad na bansa, dahil sa pagmamahal nila sa kanilang wika.
Sana naman hindi na ito mangyari sa susunod na henerasyon. sana naman magbago na tayong mga Pilipino, at sana ay isipin nating lahat na huwag nang magpasakop pang muli sa mga dayuhan kahit sa simpleng bagay lang. At higit sa lahat sana'y mahalin natin ang ating sariling wika at ibangon natin ang ating dangal.

Jayson M. Soliveres.

No comments: