Friday, October 24, 2008

"Sakripisyo ng mga Pilipino tuwing Mahal na Araw nararapat ba?"


Nakaugalian na nating mga Pilipino na mag-ayuno tuwing Mahal na Araw, upang magpakita ng paggalang sa mga sakripisyo ng ating Mahal na Hesu-Cristo. Ngunit may mga taong nagpapakita nang kanilang pag-aayuno sa pamamagitan ng pagsasakripisyo na tulad ng pagsasakripisyo ng ating Mahal na Hesu-Cristo, ngunit tama bang gawin pa nila ito?

Noong panahon ni Cristo at nang siya'y ipako sa krus, lahat nang ating mga kasalanan ay kanya nang pinagbayaran, kaya bakit may mga taong patuloy pa ring isinasagawa ito?

Alam naman nating, hindi ito maiiwasan, dahil sa iba't ibang kagustuhan ng mga tao. Ngunit sa mga ganitong sitwasyon, kailangan na at dapat ng pahintuin ang pag laganap ng mga ganitong gawi ng mga Pilipino.

Jayson Soliveres

"Hustisya, nararapat bang ikaw ang bumawi"



Ang hustisya para sa akin ay isang bagay na mahirap makamit, dahil marami kang dapat isaalang-alang bago mo ito makamtam. Kailangan mo ng mga taong mapagkakatiwalaan at gagabay sayo upang makamit mo ito. Pero papaano kung wala kang mapagkakatiwalaang tao? Papaano kung wala ni-isa ang may gustong tumulong sa iyo, babawin mo ba ito nang mag-isa?


Hustisya!, ito ang parati mong sinasambit, malaki ang pagnanasa mong makuha mo ito at sa sobrang pagnanasa mong makuha ito, napilitan kang makuha ito sa pamamagitan ng dahas at nakagawa ka ng isang malaking kasalanan, paano mo ito matatakasan? Laganap na sa ating lipunan ang ganitong pangyayari at kung papansinin mo pare-pareho lang naman ang nangyayari at ito ay halos pasa-pasa at patayan nang patayan. Kailan ba ito matatapos?, kailangan ba talagang gawin mo ito? ang ilagay sa mga kamay mo ang batas at gumawa ng isang paghuhukom na ikaw ang tiyak na magwawagi?


Sana naman isipin natin ang ating mga ginagawa, dahil sa konting pagkakamali lang ay maaari tayong makagawa ng malaking kasalanan sa ating sarili,sa ating kapwa, sa ating lipunan, at maging sa ating mahal na panginoon.
Jayson M. Soliveres.

CELLPHONE

Sa isang bansa,kahit saan mo tingnan, gumagamit ng iba't ibang teknolohiya. Isa na sa halimbawa nito ay ang cellphone. Ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon ang mga tao sa mga malalayong lugar. Ngunit iba na ngayon, ginagamit na rin ito upang makakilala ka ng bagong kaibigan at kaibigan. Textmate kung baga.
"Cn u b my txtm8?" unang nagkakilala ang dalawang tao na hindi sinasadya, kesyo,hinulaan lang nya,ganito,ganon, "hu u?"ang sagot ng isa. Nagkakilala,nag kita at naging magkaibigan, hanggang sa lumalim at naging magkasintahan. Iba iba ang naidudulot ngng cellphone sa buhay ng tao, may positibo at syempre may negatibo na hindi naman nawawala. Pero di naman naiiwasan ang mga ganitong bagay.
"Kaninong number tong nasa cellphone mo,? babae to noh?" "break na tayo" At cellphohe din ang nagduduloy ng di kanais nais na pangyayari. Yan si cellphone, sandaling ligaya< sandaling pagsasama.



Michelle B. Sol

Thursday, October 23, 2008

"konti"



Ayon sa katuruan ng simbahang isang paraan para mapalapit sa Panginoon ay ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit sapagkat ang Panginoon mismo ang magsusukli ng mga ito.Para sa Akin hindi ito nalalayo sa Indulhensya dahil pareho ang layunin nito, kaibahan lang ay sa Indulhensya may pera at masama sa paningan ng lipunan lalo pang ipinagbabawal ito ng ilang sektor ng Relihiyon.
Para sa Akin, lang tunay na pagkawanggawa ay kung paano mo maibabahagi ang sarili mo sa kapakipakinabang na paraan at makapagpabago sa ikabubuti at ikaliliwanag ng kapwa bilang isang tao,Halimbawa ang naliligaw ng landas at Ikalawa ang tunay na sakripisyo ay naghahatid sa gumawa nito ng tunay na kaligayahan at karangalan kapag ang tinulungan nito ay magkakaroon ng pag asa't dedikasyon para lumaban sa buhay.
Jose Rizal,Iba pang Bayani,at mga Taong handang tumulong ng walang pagdadamot ,ngunit mayroon pa bang ganito sa mundong ating ginagalawan? meron ang tingin ko subalit atin na lamang silang mabibilang sa ating mga daliri.Ngunit bakit sa mga sarili natin ay hindi ito masagawa . Mahirap sila, mahirap tayo din naman tayo,bukal sa kanila ang pagtulong ,tayo ay hanggang hangad na lamang ang tumulong dahil kailangan din natin.palagay ko lang ay takot tayong mawalan at malamangan ng iba subalit sana mawala ito at makabuo tayo ng mundong puno ng pagtutulungan at pagkakaisa.

John john bartolome

IV-DIAMOND



"Trese tunay nga bang malas?"


Marami nang mga sabi-sabi na ang trese daw ay isang malas na numero, at ang bawat may kinalaman ditong tao ay mamalasin, katulad, halimbawa ng kapag ang pila nyo ay isang pahabang pila at ikaw ay nasa pang-ika labintatlo ay tiyak na ikaw ay mamalasin. Pero sa kalagayan ko ang trese ay ang pinakapaburito kong numero.

Sa tuwing may magtatanong sa akin kung anong paburito kong numero, ang kadalasan kong sinasabi ay trese, pero tila yatang sila'y sumisimangot dala ng pamahiin na ito raw ay malas. Pero nakakahiya man aminin, nang minsang ako'y makisali sa mga nag-uumpukan na nagbibingguhan sa may amin nanalo ako ng malaki, dahil marahil ang lagi kong tinatamaan ay ang numero sa B at ito ay malas daw na trese. Kaya napatunayan ko na ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa numero ko, ay pawang mga kapabulaanan, at sapalagay ko ay ito ang swerte ko.

Kaya simula ng araw na iyon ang numerong trese ay hindi ko ikinakahiya, at natutunan ko itong mahalin at patagalin sa buhay ko.

"Tukso, ka'y rami nang winasak na tahanan"


Tunay ngang napakasarap magkaroon ng pamilya, dahil dito tayo nakahuhugot ng inspirasyon upang magpatuloy sa buhay, at maging matatag sa lahat ng pagsubokna ating pinagdadaanan. Ang pamilya ang pinakasimbolo ng pagkakaisa at pagmamahalan, papaano kung malaman mong ang isa sa mga magulang mo ay nasubok sa isang pagkakataon at ito ay matukso sa ibang tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng ganitong mga pagkakataong tulad nito, hindi ko matanto kung bakit may mga taong sadyang di makuntento sa buhay at naghahanap pa ng iba. At hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit may mga taong sadyang nanunukso at nagbabadya ng mga kasalanang alam nilang mali at makasisira ng buhay.Alam ba nilang nakasisira sila nga tahanang payak at masaya. Alam ba nila kung ano ang mangyayari sa mga bagay na nasa paligid nila . Paano na lang ang mga anak na mapagmahal,paano na lang ang bauhay nila kung wasak ang pamilya nila,sapalagay ba nila makapagpapatuloy pa ba ang mga ito sa buhay nila. Sapalagay ba nila sinong mga asawa ba ang hindi iiyak at parang mababaliw sa kaiisip sa magiging kinabukasan nila ? At saan ka ba makakakita ng mga pamilyang hindi nasisira ng mapaglinlang na tukso?
Nanlulumo ako kapagka nakakakita at nakaririnig ako ng mga ganitong balita ,dahil hindi ko malaman kung bakit patuloy pa rin itong nangyayari sa ating lipunan. Samantalang may mga aral naman tayo sa ating mga bibliya na nagtuturo ng mga aral tungkol sa pakikiapid. At sa atin namang saligang batas, mahigpit itong nilalabanan ng ating pamahalan, ngunit patuloy pa rin itong nangyayari. Pero mayroon naman akong iiwanang tanong:"Kung ikaw ay mayroong ganitong kalagayan ano sapalagay mo ang nararapat mong gawin?"
Jayson M. Soliveres.

Batas na Ipinapatupad (Hustisya)

Ang batas ay isang mga karapatan na ipinapatupad ng mga gobyerno pero lahat nga ba ng batas ay naipatutupad?
Marami nga tayong batas pero di tayo nakasisisguro kung lahat nga ng mga ito ay sinusunod at ipinapatupad.Dahil araw-araw ay may mga pangyayari nadi natin inaasahan tulad na lamang ng mga krimen.
At kadalasan ang lahat ng mga biktima ng mga krimen ay di nakakamit ang katarungan O hustisya na kanilang kinakailangan.Kadalasan kasi di maiwasan ang kakayahan ng kapangyarihan dulot ng pera na siyang nagpapawalangbisa sa mga kaso.At ang batas na ipinapatupad ay di nangingibabaw.

Ang Pangangailangan ng Tao (Sariling Interes)

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangangailangan sa sariling interes.At ang dahilan nito ay upang makamit natin ang mga gusto natin sa ating buhay.
Para sa atin isinasaalang-alang natin ang ating mga hilig O sariling interes.Halimbawana rin nito yung mga makakabuti para sa atin at ito ay ang mga pangarap sa buhay.
At upang makamit natin ang lahat ng mga iyon ay gagawa tayo ng mga paraan para sa magandang kinabukasan na kalakip ng sarili nating interes.

Sugal ng Buhay (malas/swerte)

Ang sugal ay isang dilikadong bahagi ng ating buhay.Di natin alam kung mananalo tayo O matatalo,mamalasin O suswertehin dahil nga sa itoy isang laro sa ating buhay.
At kasama natinito sa ating buhay.Pero kung ating itong iiwasan siguradong hindi tayo malalagay sa alanganin.Dahil ito ay isang komplekadong laro ng ating buhay na kailangan mong makipagsapalaran..........
Dahil ang isang sugal ay maykalakip na kapalit di man pera pero maari rin namang buhay at kamatayan ang kabayaran sa pinasok na sugal ng buhay

Bakit ang aso kailangan ngumiyaw?

Hindi ko mainntindihan kung bakit natin kailangan magpasakop pa sa mga dayuhan hanggang ngayon gayong ang araw ng kalayaan ay noon pang ika -4 Hulyo 1946 pa. Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman ang tunay kong kalayaan?
Kahit na ako'y nabubuhay ngayon dito sa bago nating panahon, ang pakiramdam ko ay nasa panahon pa rin ako ng mga amerikano. Paano?, damang-dama ko ito sa aking kalagayan ngayon, at marahil ay hindi ako nag-iisa maaring marami kami. Hindi ako bihasa sa pagbigkas ng wikang ingles, sa tuwing magsasalita ako ng wikang ito, pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko dahil sa mali-mali kong grammar. Bukod doon, iniisip ko kung bakit kailangan pang mag-aral nito, samantalang may sarili naman tayong wika. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa tayong piliting matuto ng wikang ito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila iniisip na hindi naman natin kailangan ang magsalita pa nito. Kung talagang interesado ang mga dayuhang makipagkaibigan sa atin, bakit hindi nating hayaang sila ang mag-aral ng ating wika?! Tingnan ninyo ang bansang Hapon napakaunlad nila kahit hindi sila bumibigkas ng wikang ingles, sila angf masasabi kong tunay na maunlad na bansa, dahil sa pagmamahal nila sa kanilang wika.
Sana naman hindi na ito mangyari sa susunod na henerasyon. sana naman magbago na tayong mga Pilipino, at sana ay isipin nating lahat na huwag nang magpasakop pang muli sa mga dayuhan kahit sa simpleng bagay lang. At higit sa lahat sana'y mahalin natin ang ating sariling wika at ibangon natin ang ating dangal.

Jayson M. Soliveres.

Ang Huwarang Magulang (Pamilya)

Maraming magulang ang nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak at ang magulang ang may pinakamalaking papel sa isang pamilya. Ang magulang lamang ang may karapatan sa kanilang mga anak at may malaking responsibilidad.
kaya naman lahat ay gagawin ng isang magulang mapalaki lamang nila ng maayos at may takot sa DIYOS ang kanilang mga anak.Dahil walang magulang ang may gustong mapariwara at mapasama ang kanilang mga anak.
Kahit ano ay papasukin mabuhay lamang ang kanilang mga anak.kahit na nahihirapan ay di parin nila iniinda ang sakit at pagod na nararamdaman.Dahil alam nila na para rin naman sa kinabukasan ng kanilang anak iyon.Hangad lamang naman kasi ng isang huwarang magulang na makita ang anak na masaya at may magandang buhay at sa pamamagitan ng edukasyon at kaalaman ay matutunan ang kanilang mga anak ay isang malaking tagumpay para sa mag magulang.Dahil iyon lamang tanging yaman na maibibigay nila na isang magulang sa isang anak.

"Ang Pag-ibig nga naman"


Isa sa pinaka dakilang damdamin ng tao ang pag-ibig sapagkat kaya nitong baguhin ang lahat dahil sa dalawang mukha nito, ang positibo na kayang magbunga ng kaginhawaan at tunay na kaligayahan sa isang tao at ang negatibo na naghahatid naman ng kasakiman at kapalulaan. Makulay ang mundo ng pag-ibig kaya kung wala ito ay para tayong bulag na naghahanap ng liwanag.




"Di na makatulog, hindi pa makakain sa kakaisip sayo tagyawat dumarami" Linya sa kantang Pers Lab. Isang uri ng pag-ibig ang pagmamahal sasa isang tao o pag-iibigan ng dalawang pusog pinagtagpo. Ang mga magulang, lolo at lola natin ay alam ito, ngunit may tanong ako, ano ang nararamdaman naming mga kabataan ng paghangsa sa isang tao? Hindi ba ito maituturing na pag-ibig itong aming nararamdaman? Bakit maraming tutol? Maraming nangingialam? At hanggang saan kaya ang kayang ipaglaban ito pero may nakikitang higit pa ay papalitan na. Ganito ba ang pag-ibig sa kabataan?




"Pag-ibig nga naman" yan ang ating sinasabi , totoo ngang ang pag-ibig ang pinakamakapangyarihan sa lahat,, kahit anu pang kahit ano pang pag-ibig yan. Pag-ibig sa sarili, sa bayan o kapamilya o sa kaaway pag tinamaan ka wala at magagawa kundi sundin ito athuli ang mundo ay turuan natin na ang lunas ay ang pag-ibig.






John John Bartolome

"Batas"


Kung hutisya ang pag-uusapan ay parang wala ng naniniwala dito marahil sa kadahilanang marami sa nakakulong ngayon ay walang kasalanan,dahil hindi balanse sapagkat may makapang yarihan at may aping mababa,dahil may malaya na dapat nasa piitan at panag babayaran ang mga kasalanan,at ang huli ang Hustisya ngayon ay para na lamang ba sa mga mayayaman.




Para sa akin walang magiging problema sa Hustisya kung patas lang ang lahat sa harap ng batas. Sa ngayon may Saligang Batas tayo na sinusunod at umiiral kung lumabag dito ay may karampatang parusa walang mali kung lahat ay mapaparusahan e hindi naman.Isa pa sa hindi pantay sa batas para sa Akin ay ang piyansa dahil kung mahirap ang nakagawa ng pagkakamali ay hindi ito makapag bayad nito at wala itong magagawa kundi ang makulong.




"Kung Buhay ang inutang Buhay din ang kabayaran"at "Lintik lang ang walang ganti",mga kasabihang kunektado sa Hustisya sapagkat mahihinuha natin na kung sino ang naniniwala dito ay inilagay nila ang Hustisya sa kanilang mga sariling mga kamay marahil ay wala na silang pakialam sa umiiral na Hustisya, Hangad ko lang wag antayin ng kinauukulan na maniwala tayo dito hanggang may panahon pa kumilos na sila at tayo naman ay dapat mag karoon ng disiplina na sumunod at huli sana wag estado at katayuan ang maging batayan sa pag dedesisyon sa pagbibigay ng Hustisya.


John john bartolome


IV-DIAMOND

"Gulong ng Palad"


Maraming paraan para malaman kung malas o suwerte ang isang tao at kapalara't kinabukasan nito, Nandiyaan ang horoscope araw araw,astronomiya,baraha,palad petsa ng kapakanakan at itsura.Depende ito sa ating paniniwala,maraming nagkatotoo,marami ding hindi,maraming ayaw ,maraming gusto.Hinsi masama ang maniwala ngunit ang masama ang maging makitid ang utak at isipan.




Ang sa akin lang lamang hindi ibig sabihin malas ang isang tao kung ipinanganak itong mahirap at suwerte kung mayaman. Ang tunay na sumusukat ng kasuwertihan ng isang tao ay ang dedikasyon ng at kasipagan nito sa buhay at katamaran at kasamaan ang sumusukat sa kamalasan.




Ayon nga sa kantang "Gulong ng Palad" ang buhay ay minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim at ang kandungan nito ay ang ating kapalaran na hindi tumutukoy sa malas at suwerte kundi sa sipag tiyaga at pananalig sa Diyas ang ating kailangan para tayo ay umakyat sa ibabaw ng gulong ng buhay.



John john Bartolome



IV-DIAMOND

"ALIKABOK"

Hindi na bago sa ating mga paningin ang mga batang nanlilimos sa kalye, matatandang nakaupo sa may gilid ng poste kaharap ang latang walang laman, napakadungis, sira-sira ang ang damit at mukha talagang kaawaawa. May lalaking nag daan, napahinto ito, tiningnan ang matandang pulubi, dumukot sa kanyang bulsa, kumuha ng tatlong limang piso at inihulog sa loob ng lata at umalis.



Pag kaawa. Likas na sa mga tao ang makaramdam ng ganito, pero dapat bang mahabag ka sa taong hindi awa ang kailangan, kundi ang laman ng iyong bulsa? Gabing-gabi na ng tumayo ang matandandang lalaki sa poste, kinuha ang punong-punong lata, umuwi, nag palit ng ng damit bumili sa tindahan ng alak at sigarilyo. Hayyy.,.,.,may mga tao talagang sobrang mapanlinlang. Tinutulungan mo na nga niloko ka pa,,tsk,,,tsk,,,tsk,,,ang buhay talaga oh,,oh,,.



Sa isang tulay, hindi ito basta-basta naggigiba, bagyo o ano mang unos ang dumating. Pero pag dumating ang araw na ito ay nagkaroon ng krak, hindi madaling pigilan pa, dahil hindi mo alam lumalaki na ang sira, mapapansin mo nalang wask na wasak na.





Michelle B. Sol

Wednesday, October 22, 2008

''BAHAY-BAHAYAN''


Kung mahirap ang pag-aasawa mas mahirap ang magkaroon ng pamilya lalo pa sa mga panahon ngayon na nahaharap, nagbabanta,at nakararanas tayo ng pandaigdigang krisis.Alam natin na ang pamilya ang pinakamaliit na yunit panlipunan at mahalaga ang ginagampanan nito sa isang estado o bansa ngunit alam ba natin kung paano magkaroon ng matagumpay na pamilya ?




Ang ideyal na pamilya ay binubuo ng Ina,Ama,at 2-3anak na may pagkakaunawaan at pagmamahalan sa bawat miyembro nito, Ang Aking pamilya ay binubuo noon ng 8 miyembro ang Nanay,ang Tatay at 5 ko pang Kapatid malayo man sa bilang ngunit pantay naman sa pagkakaunawaan at pagmamahalan dahil sa maganda at responsableng pagtayo bilang "Ilaw at Haligi ng Tahanan" ng Aking Nanay at Tatay subalit ng mawalay si Nanay ay parang Ibong nakawala sa hawla ang mga ito may bumuo ng sariling pamilya ,may naliligaw ng landas, at may away away na pa minsan minsan .Peron nag bubuklod pa rin kami dahil isa kaming pamilya kahit ano pang mangyari.




Marami tayong nakikitang mga batang naglalaro ng "Bahay-bahayan" may Nanay ,may Tatay ,at may mga Anak ,sa pagkabata natin ay siguro ay nakapaglaro na rin nito ngunit, subalit, datapwat hindi laro ang pagbabalangkas ng isang pamilya kundi ay isang proseso na may una,ikalawa,at ikatlong hakbang hanggang makagawa ng isang magandang produkto ,kailangan din ng mga tamang sangkap upang tumatag at tumagal ang isang pamilya.


john john bartolome


IV DIAMOND

"Posas"

Maraming nagsasabing hindi lahat ng nasa kulungan ay masama. Eh,bakit sila nakakulong kung hindi sila masama? Anong meron? Anong wala? Sa araw-araw na gumigising tayo sa umaga,hindi mo alam na pagbangon mo, ano ang meron sa labas, may nag hihintay pa kayang umaga?



Hustisya? Ano nga ba ito? Ang batas kkung susuriin parang pang mayaman. Halimbawa nalang na may isang tao na na nbagkakautang sayo na ayaw magbayad at ito ay hinahayaan mo nalang, pero dumating ang panahon na ikaw ang nangangailangan ng pera, anu na sa tingin mo ang mangyayari? Sa isang kriminal, pag mayaman ka syempre maimpluwensy, may "special treat" kung baga at kung minsan may house arrest pa nga , na pwede rin naman sa mga mahihirap, p[ero hindi iyon ginagawa di ba?



Kulungan ang lugar ng mga naligaw kulungan din ang tuluyan ng walang kasalanan. Sa likod ng rehas, walang tinatawg na batas.yon bang panty-pantay sabi ng iba. Bakit nga ba nagkaganito? Maalis pa kayaya ang poas ng panglalamang?





Michelle B.Sol

TULONG


Sa ating kapanahunan bibihira ang mga taong may sariling kusa para tumulong sa kapwa,yung iba napipilitan lang dahil kailangan ,dahil kailangan kaya sila napipilitan .


Ang mga taong nagpapadikta sa iba ay nawawalan na ng sariling desisyon kung ano ang dapat nilang gawin sasabihin ng ibang tao gawin mo ganito,ganun,ganyan,gawain ng taong nagdidikta para nga naman may masabi na may nagawa sila na tungkulin naman talaga nila sa ayaw nila at sa gusto,halimbawa ng tinutukoy ko ay ang mga pulitiko magaling pag sila ang may kailangan pero pag tinakbuhan mo at humingi ka ng tulong,asahan mo di na nakakakilala.Ngunit may mga mga tao pa ring tumutulong na bukas sa kanilang puso walang bahid ng pag-aalinlangan at higit sa lahat walang nagdidikta.


tadaan natin habang may buhay may pag asa hindi habang buhay tayo ang manghihingi ng tulong at magpapaapi,dahil kaya tayo binigyan ng mga paa para tumayo.



Cristle Manuel

TAMA SA MALI

Maraming naniniwala sa malas at sa swerte.Ngunit ito nga ba'y totoo o hindi maaring kagagawan rin lang ng tao sabi nga tayo rin ang gumagawa ng ating kapalaran. ito yung pwede maging malas at swerte natin sa buhay.



Sa mga naniniwala marahil ito'y totoo,bawat kilos nila may kahulugan,maganda sa hindi,kumbaga pinagkukumpara nila.Pag maganda swerte ka?Pag talo ka malas ka?Buhay nga naman puno ng pag eeksperemento.Eh, paano naman sa mga taong hindi naniniwala?Dahil kahit papaanu naman ma'y mga taong hindi nagpapaapekto sa mga kasabihang ito dahil may sarili silang pagiisip sa kung ano ang maganda sa hindi.



Marami man tayong pananaw at pinaniniwalaan sa buhay.Ang mahalaga isa sa mga pinaniniwalaan natin na may nagiisang panginoon na laging nandyn para sa atin.



Cristle Manuel




KASALANAN

Bawat isa pa may nangyaring isang sakuna na hindi mo kagagawan o kasalanan at pag ika'y napagbintangan at ipinasok sa bilangguan,karaniwang nating hinihingi ay hustisya.Hustisya.......




Dito sa bansa na ating kinabibilangan may hustisya ba o puro pangako lamang na napapako kung hindi mo bunutin ay maaaring maliko.Pagsinabi kasing hustisya karaniwan o ang napapaloob dyan batas pero dito sa bansa natin hindi lang batas pati nga inaasahan nating mga kasangga o mahihingan ng tulong sila pa yung nagtutulak sa atin palayo.




Di man makamit ang hustisya,sigurado akong ma'y kapalit ito sa mga taong mapagmalabis sa kahinaan ng iba.










Cristle Manuel





Tuesday, October 21, 2008

NADARAMA





Pamilya? Di ba ,ang ibig sabihin ng katagang pamilya ay binubuo ng Ama,Ina at anak na bumuboo sa lipunan. Ngunit itong katagang ito ay hindi ko lubos makita at maisip sa aking pamilya.




Sa pamilyang aking pinagmulan ay maraming ng nagdaan pero ang mas masakit dito ng mawala ang aking ama sa lipunan dahil sa kagagawan ng mga taong halang ang bituka, taong di iniisip ang kahihinatnan sa aming buhay at bukod pa dito sa pangyayaring ito ako'y nahiwalay sa aking ina at kapatid. Masakit pero kailangang tanggapin.




Sa mga nangyayari sa buhay, ito'y may dahilan kung bakit ito nangyayari sabi nga pag may nawala siguradong may darating na panibago.


Cristle o. Manuel

"Baraha ng buhay"

Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari bukas, tumingin ka man sa iyong likuran, wala kang masisilip. Tanungin mo man ang pinaka matalinong tao dito sa mundo, hindi rin niya masasagot ang katanungang yan. Pero ang mahalaga, dapat lagi tayong handa. Handa para ihakbang kaliwang paa sa daan ng kinabukasan.

Ang buhay sabi, ng ilan parang sugal, minamalas at syenpre may mga araw na swerte. At hindi masasabi kung kailan ang araw na iyon. Hindi natin alam ang baraha ng mga kalaban. Sariling baraha ang kaharap at tamang diskarte ang kailangan. Hindi pwedeng magtapon kaagad ng na hindi pinag iisipang mabuti, baka sa maling hakbang na pagtapon mong yon, dun ka matalo. Dahil isang maling galaw buong buhay mo apektado.

Problema, ito ang kalaban ng buhay. Problemang hanggat maaari dapat labanan, dahil pagsumuko ka kaagad,matatlo, dahil ang baraha ng buhay hindi humihinto ng pag kilos. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran, at alam mo yan..









Michelle B. Sol

NAIS







Sa buhay may kaniya kanyang nais abutin ang bawat isa gaanu man katarik ang bundok , gaano man kalalim ang dagat , pagginusto ay may magagawa at makakaya dagdagan mo pa ng sipag at tiyaga may-pagasa ka ,kumbaga pagusto madaming paraan, at pag ayaw madaming dahilan.



Kahit wala akong masilungan at mapuntahan pagpumapatak ang buhos ng ulan.mahirap harapin pero kakayanin ,dahil nagsisilbing katatagan ng aking pagkatao kung hanggang saan ko kakayanin ang mga buhos ng ulan na dumadampi sa aking katawan dahil wala akong di kakayanin pagpamilya ko na ang pinag-uusapan dahil ang gusto ko sa takdang panahon mabuo na ito.








Cristle MAnUeL

"May mga Panahon na Napupundi ang ilaw"

Binubuo ng ama,ina at mga anak.Ito ang pinaka maliit na unit sa lipunan, ito ay ang mga karaniwang diskripsyonng isang karaniwang tao sa salitang ito. Ang isang tahanan, kailangang may kumikilos at may nagpapakilos at ito ay ang tinatawag nating pamilya. Ngunit ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng salitang ito? Ano ang tunay na nilalaman nito?

Sa isang bubong na may apat na dingding ay may isang masayang pamilya, tila baga mga bagong dilig na halaman tuwing umaga, ganyan maikukumpara ang kasiyahan ng pamilyang tinutukoy ko. Tuwing alasais ng umaga gumigising ang kanilang ina upang mag handa ng kanilang almusal ang apat na anak at ang kanyang asawa na pumapasok sa isang pabrika. Labindalawang taong gulang ang kanilang panganay ang pangalawa ay magsasampung taong gulang na at tatlong taon naman ang tanda nito sa ikatlo, at tatlong taon naman ang bunso. Pritong itlog ang at pandisal ang inihain ng ilaw ng tahanan ng umagang iyon. Pag katapos mag-almusal ng mag anak nag handa na silang umalis at pumasok, sabaysabay umalis ang mag-aama. Sa tahanang iyon ang natitira na lamang ay ang ina at bunsong anak. Gaya ng ibang ina ginagawa ang mga gawaing bahay.

Ang pag kamit sa kaligayahan ng pamilyang ito ay hindi pala magiging pangmatagalan. Gaya ng ilaw sa isang tahanan hindi nag tatagal, may panahon na ito ay napupundi rin, tinatapon hanggang tuluyang makalimutan. Hindi mawawlan ng problema ang mga tao. Masakit man ang kapalit ng lahat ng pagsisikap, wala kang magagawa kung di tanggapin ang mga pang yayaring ito kahit masakit man.







Michelle B. Sol