Friday, October 24, 2008

"Sakripisyo ng mga Pilipino tuwing Mahal na Araw nararapat ba?"


Nakaugalian na nating mga Pilipino na mag-ayuno tuwing Mahal na Araw, upang magpakita ng paggalang sa mga sakripisyo ng ating Mahal na Hesu-Cristo. Ngunit may mga taong nagpapakita nang kanilang pag-aayuno sa pamamagitan ng pagsasakripisyo na tulad ng pagsasakripisyo ng ating Mahal na Hesu-Cristo, ngunit tama bang gawin pa nila ito?

Noong panahon ni Cristo at nang siya'y ipako sa krus, lahat nang ating mga kasalanan ay kanya nang pinagbayaran, kaya bakit may mga taong patuloy pa ring isinasagawa ito?

Alam naman nating, hindi ito maiiwasan, dahil sa iba't ibang kagustuhan ng mga tao. Ngunit sa mga ganitong sitwasyon, kailangan na at dapat ng pahintuin ang pag laganap ng mga ganitong gawi ng mga Pilipino.

Jayson Soliveres

"Hustisya, nararapat bang ikaw ang bumawi"



Ang hustisya para sa akin ay isang bagay na mahirap makamit, dahil marami kang dapat isaalang-alang bago mo ito makamtam. Kailangan mo ng mga taong mapagkakatiwalaan at gagabay sayo upang makamit mo ito. Pero papaano kung wala kang mapagkakatiwalaang tao? Papaano kung wala ni-isa ang may gustong tumulong sa iyo, babawin mo ba ito nang mag-isa?


Hustisya!, ito ang parati mong sinasambit, malaki ang pagnanasa mong makuha mo ito at sa sobrang pagnanasa mong makuha ito, napilitan kang makuha ito sa pamamagitan ng dahas at nakagawa ka ng isang malaking kasalanan, paano mo ito matatakasan? Laganap na sa ating lipunan ang ganitong pangyayari at kung papansinin mo pare-pareho lang naman ang nangyayari at ito ay halos pasa-pasa at patayan nang patayan. Kailan ba ito matatapos?, kailangan ba talagang gawin mo ito? ang ilagay sa mga kamay mo ang batas at gumawa ng isang paghuhukom na ikaw ang tiyak na magwawagi?


Sana naman isipin natin ang ating mga ginagawa, dahil sa konting pagkakamali lang ay maaari tayong makagawa ng malaking kasalanan sa ating sarili,sa ating kapwa, sa ating lipunan, at maging sa ating mahal na panginoon.
Jayson M. Soliveres.

CELLPHONE

Sa isang bansa,kahit saan mo tingnan, gumagamit ng iba't ibang teknolohiya. Isa na sa halimbawa nito ay ang cellphone. Ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon ang mga tao sa mga malalayong lugar. Ngunit iba na ngayon, ginagamit na rin ito upang makakilala ka ng bagong kaibigan at kaibigan. Textmate kung baga.
"Cn u b my txtm8?" unang nagkakilala ang dalawang tao na hindi sinasadya, kesyo,hinulaan lang nya,ganito,ganon, "hu u?"ang sagot ng isa. Nagkakilala,nag kita at naging magkaibigan, hanggang sa lumalim at naging magkasintahan. Iba iba ang naidudulot ngng cellphone sa buhay ng tao, may positibo at syempre may negatibo na hindi naman nawawala. Pero di naman naiiwasan ang mga ganitong bagay.
"Kaninong number tong nasa cellphone mo,? babae to noh?" "break na tayo" At cellphohe din ang nagduduloy ng di kanais nais na pangyayari. Yan si cellphone, sandaling ligaya< sandaling pagsasama.



Michelle B. Sol

Thursday, October 23, 2008

"konti"



Ayon sa katuruan ng simbahang isang paraan para mapalapit sa Panginoon ay ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit sapagkat ang Panginoon mismo ang magsusukli ng mga ito.Para sa Akin hindi ito nalalayo sa Indulhensya dahil pareho ang layunin nito, kaibahan lang ay sa Indulhensya may pera at masama sa paningan ng lipunan lalo pang ipinagbabawal ito ng ilang sektor ng Relihiyon.
Para sa Akin, lang tunay na pagkawanggawa ay kung paano mo maibabahagi ang sarili mo sa kapakipakinabang na paraan at makapagpabago sa ikabubuti at ikaliliwanag ng kapwa bilang isang tao,Halimbawa ang naliligaw ng landas at Ikalawa ang tunay na sakripisyo ay naghahatid sa gumawa nito ng tunay na kaligayahan at karangalan kapag ang tinulungan nito ay magkakaroon ng pag asa't dedikasyon para lumaban sa buhay.
Jose Rizal,Iba pang Bayani,at mga Taong handang tumulong ng walang pagdadamot ,ngunit mayroon pa bang ganito sa mundong ating ginagalawan? meron ang tingin ko subalit atin na lamang silang mabibilang sa ating mga daliri.Ngunit bakit sa mga sarili natin ay hindi ito masagawa . Mahirap sila, mahirap tayo din naman tayo,bukal sa kanila ang pagtulong ,tayo ay hanggang hangad na lamang ang tumulong dahil kailangan din natin.palagay ko lang ay takot tayong mawalan at malamangan ng iba subalit sana mawala ito at makabuo tayo ng mundong puno ng pagtutulungan at pagkakaisa.

John john bartolome

IV-DIAMOND



"Trese tunay nga bang malas?"


Marami nang mga sabi-sabi na ang trese daw ay isang malas na numero, at ang bawat may kinalaman ditong tao ay mamalasin, katulad, halimbawa ng kapag ang pila nyo ay isang pahabang pila at ikaw ay nasa pang-ika labintatlo ay tiyak na ikaw ay mamalasin. Pero sa kalagayan ko ang trese ay ang pinakapaburito kong numero.

Sa tuwing may magtatanong sa akin kung anong paburito kong numero, ang kadalasan kong sinasabi ay trese, pero tila yatang sila'y sumisimangot dala ng pamahiin na ito raw ay malas. Pero nakakahiya man aminin, nang minsang ako'y makisali sa mga nag-uumpukan na nagbibingguhan sa may amin nanalo ako ng malaki, dahil marahil ang lagi kong tinatamaan ay ang numero sa B at ito ay malas daw na trese. Kaya napatunayan ko na ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa numero ko, ay pawang mga kapabulaanan, at sapalagay ko ay ito ang swerte ko.

Kaya simula ng araw na iyon ang numerong trese ay hindi ko ikinakahiya, at natutunan ko itong mahalin at patagalin sa buhay ko.

"Tukso, ka'y rami nang winasak na tahanan"


Tunay ngang napakasarap magkaroon ng pamilya, dahil dito tayo nakahuhugot ng inspirasyon upang magpatuloy sa buhay, at maging matatag sa lahat ng pagsubokna ating pinagdadaanan. Ang pamilya ang pinakasimbolo ng pagkakaisa at pagmamahalan, papaano kung malaman mong ang isa sa mga magulang mo ay nasubok sa isang pagkakataon at ito ay matukso sa ibang tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng ganitong mga pagkakataong tulad nito, hindi ko matanto kung bakit may mga taong sadyang di makuntento sa buhay at naghahanap pa ng iba. At hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit may mga taong sadyang nanunukso at nagbabadya ng mga kasalanang alam nilang mali at makasisira ng buhay.Alam ba nilang nakasisira sila nga tahanang payak at masaya. Alam ba nila kung ano ang mangyayari sa mga bagay na nasa paligid nila . Paano na lang ang mga anak na mapagmahal,paano na lang ang bauhay nila kung wasak ang pamilya nila,sapalagay ba nila makapagpapatuloy pa ba ang mga ito sa buhay nila. Sapalagay ba nila sinong mga asawa ba ang hindi iiyak at parang mababaliw sa kaiisip sa magiging kinabukasan nila ? At saan ka ba makakakita ng mga pamilyang hindi nasisira ng mapaglinlang na tukso?
Nanlulumo ako kapagka nakakakita at nakaririnig ako ng mga ganitong balita ,dahil hindi ko malaman kung bakit patuloy pa rin itong nangyayari sa ating lipunan. Samantalang may mga aral naman tayo sa ating mga bibliya na nagtuturo ng mga aral tungkol sa pakikiapid. At sa atin namang saligang batas, mahigpit itong nilalabanan ng ating pamahalan, ngunit patuloy pa rin itong nangyayari. Pero mayroon naman akong iiwanang tanong:"Kung ikaw ay mayroong ganitong kalagayan ano sapalagay mo ang nararapat mong gawin?"
Jayson M. Soliveres.

Batas na Ipinapatupad (Hustisya)

Ang batas ay isang mga karapatan na ipinapatupad ng mga gobyerno pero lahat nga ba ng batas ay naipatutupad?
Marami nga tayong batas pero di tayo nakasisisguro kung lahat nga ng mga ito ay sinusunod at ipinapatupad.Dahil araw-araw ay may mga pangyayari nadi natin inaasahan tulad na lamang ng mga krimen.
At kadalasan ang lahat ng mga biktima ng mga krimen ay di nakakamit ang katarungan O hustisya na kanilang kinakailangan.Kadalasan kasi di maiwasan ang kakayahan ng kapangyarihan dulot ng pera na siyang nagpapawalangbisa sa mga kaso.At ang batas na ipinapatupad ay di nangingibabaw.